PAGOD KA NA BA, OFW?

PAGOD KA NA BA, OFW?

Pagod na ako!… Ito’y kadalasan maririnig natin sa mga kaibigan nating OFW. Pagod na sa kakatrabaho sa ibat ibang panig ng mundo,lalo na sa oras na aabutan ng pagka homesick.

Alam nating lahat na madaming Pilipino ang nagtratrabaho sa ibat ibang panig ng mundo na halos kalahati ng taon ng  buhay nila ay ginugugol sa pagiging OFW.

Bakit nga ba? Sabi ni Kabayan para maging Masaya ang aking pamilya…. Oo tama ka, Kabayan kaya nga  ang OFW  ay tinatawag na bagong mga BAYANi  dahil sa kontribusyon nila sa Pamilyang Pilipino at sa bansang Pilipinas.

Pagod na ako!…. dahil ba sa wala kang naipon sa pinaghirapan mo bilang OFW?  Ang sabi ni Kabayan, 20years na ako  sa bansang Saudi Arabia pero ganun pa rin ang estilo ng pamumuhay ko. Tuwing  papalapit na  ang aking yearly vacation,naiisip kong hindi na  mag renew ng panibagong kontrata, pero bakit pag nasa Pilipinas na ako , gusto ko na rin bumalik agad sa  bansang pinagtrabahuan ko…. Hayyy wala na bang katapusan ang pagiging OFW natin…

Naalala ko ang isang OFW na noon ay naghahandang magbakasyon sa Pilipinas. Doble kayod sya dahil gusto nya na maging espesyal ang bakasyon kasama ang pamilya. Lahat ng libreng oras nya ay ginugol nya sa mga PART TIME na trabaho. Kahit may napapansin na sya na hindi maganda sa kalusugan ay hindi nya pinansin. Kaya nang umuwi sya sa Pilipinas ay diretso sya sa hospital. Sya ay na-stroke at hindi na nkabalik sa kanyang trabaho …Tandaan natin na ang pinaka magandang regalo natin sa ating mga pamilya at mahal sa buhay ay ang masigla at maayos nating kalagayan… Paano pa natin maitataguyod ang kanilang mga pangarap kung ang katawan ay INABUSO at SUMUKO…Sa sariling pagpapagamot din mapupunta ang lahat….

Alam natin lahat  napakagandang mamuhay sa bansang Pilipinas, kung ikaw ay may pera at kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. KABAYAN, mag impok….magtipid… hindi sa lahat na panahon at pagkakataon  ay malakas tayo….

Hindi sa lahat na panahon ay pagkalooban tayo ng magandang trabaho.

Hindi sa lahat na pagkakataon lahat na OFW ay susuwertihin sa pag aabroad.

Pagod na ako! … dahil naiisip ko lague na napakatagal ko na pala sa bansang pinagtrabahuan ko, at wala akong naipundar at ipon.

Kabayan, paanu mo ba binabudget ang perang kinikita mo? …Isang kwento na Kababayan  natin habang  ako ay napatambay sa isang coffee shop sa Corniche, Dammam.. Ganito ang budget ko …Sumasahod  ako ng  SAR1200, bawat buwan kasama na ang overtime.Nung nasa Pilipinas ako  ang monthly expenses ng pamilya ko ay 8,000PHp.So, ang dapat monthly remittance ko para sa family ko ay 8.000PHp only or SAR700….ang SAR 300 ay diniposito ko sa bank account ko at ang SAR200 ay regalo ko sa sarili ko.

Humanga ako sa pagiging wise ni Kabayan sa pagbudget, tama huwag natin sanayin  ang ating pamilya ng marangyang pamumuhay na panandalian lamang, gawing balanse at matustusan lahat na pangangailangan para ito panghabang buhay.

Ang pagpapadala ng remittance ay isa sa pangunahing layunin ng bawat OFW, pero siguraduhin  na ikaw OFW  ay hindi labis magpapadala, dahil ang lahat na pinapadala mo ay  hindi mu na iyan hahanapin pag uwi mo, iyan ay considered as expenses na.

Madaming OFW, pag uwi ikaw pa rin ang aasahan kung saan kukuha ng panggastos, saan ka kukuha kung iyon ay nagastos na….mangutang uli……

Pagod na ako!….Malapit na ang aking bakasyon sa PInas hindi pa tapos babayaran ang aking mga utang na iniwan ko…takot ako baka sa airport palang  hihiraman ako ng 500 Php wala akong maibigay….;;;;

Anu kaya ang gagawin ko?…uutang kaya ako sa kaibigan ko kahit may interest pa!!!!

Maganda ang ginawa mo kasi hindi mo nakakalimutan magbayad  sa mga naiwang utang mo sa Pinas, Pero hindi mo ba naisip yun, mas lalong pinahirapan mo ang iyong sarili, Masaya ka sa oras na iyon nakahiram ka kasi  nabayaran mo ang unang utang mo, ngayon saan ka naman kukuha ng pambayad mo ? may problema ulit sa Pinas…. Haissst ..wala nang katapusang problema….

Kabayan hindi kailangan mangutang ka ulit para pambayad sa utang mo, hintayin mo ang sahod mo  at budgetin mabuti.

Para sa gayon hindi patong patong ang problema mo, maaring maapektuhan ang trabaho mo dahil sa problema lague mo iniisip.

Maging makuntento sa lahat na panahon,  pahalagahan natin lahat kung anu lang bigay ng Dios sa atin…

Ito isang kwento din ng isang OFW na 5 years na sa Al Khobar, Saudi Arabia.

Nagbakasyon sa Pilipinas ang isang OFW. Planado lahat ng lakad ng pamilya. Susulitin nya ang isang buwang bakasyon na kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Isang linggo ang lumipas, nagkaroon siya ng bisita. Naniningil. Hindi nabanggit sa kanya ng kabiyak na may utang sila. Ipinangako pala na babayaran ang nabanggit na utang pag-uwi nya.

Pinilit pa rin nya na maging masaya sa kanyang bakasyon. Sinunod nya ang mga planong lakad ng pamilya pero mayroon na syang isipin — Ubos na naman ang kanyang ipon dahil ipinambayad sa utang. Sabi nya sa sarili: Masakit pala. Hindi lang ATM ang tingin nila sa akin, COLLATERAL din.

 Ang mga OFW ay totoong mga BAYANI pero sila ay hindi mga anghel. TAO lang na nagkakamali at gagawin lahat para sa pamilya. Bagamat maraming OFW ay marangal, may mga kumakapit sa patalim at NANLOLOKO ng kapwa OFW. May mga naging “drug mule”, swindlers, UMUUTANG na HINDI binabayaran, prostitution, etc. Mga gawaing pilit na itinatago pero ginagawa dahil sa pagmamahal sa pamilya. Para magbago ang ganitong sitwasyon, malaki ang maitutulung ng pamilya sa Pilipinas.

 Para sa mga kababayan natin na OFW na nangibang bansa ay nakalimutan na ang pinagmulan nakatikim lng ng pansamantalang kaginhawaan,hindi sa naiingit, nanghuhusga,o pakialamero,pangit kasi ang ganyang ugali tulad ng isang kakilala ko nakapag- asawa ng foriegner,biglang taas ang kanyang ulo,hindi maabot wla ng kilala( sa mga guilty dyan sna mapag-isip na magbago) kahit na anung yaman at pinag-aralan mo kung pangit naman ang ugali mo mawawala ang respeto nila sau.Kaya mas maganda kung simple ka walang inaapakang tao at may takot kay LORD..Kya Ikaw,Ako,Tayo wag kalimutan ang pinagmulan..AGREE??

Pagpalain po tayong lahat ng Panginoon…MABUHAY ANG MGA OFW!!!

 Copyright 2012 @ www.julesragas.wordpress.com

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s